Pangamba at antala sa harap ng pandemya: Mga karanasan ng paglalakbay at pananatili ng mga Pilipino sa Japan (Worries, delays, and the pandemic: Filipino experiences of staying in and traveling to Japan)

preprint OA: closed
View at publisher

Abstract

Filipino Abstract: Nang magsimula ang pandaidigang pandemya ng COVID-19 sa Japan, marami ang pumuri sa polisiya ng pamahalaan dahil hindi masyadong naapektuhan ang karaniwang pamumuhay at hindi rin mataas ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa kahit na walang malawakang lockdown. Gayumpaman, marami rin ang bumatikos sa pamahalaan dahil sa magulong polisiya kaugnay ng paglabas at pagtanggap ng mga banyaga, mga nagsasalungatang patakaran tungkol sa pandemya, kaangkupan ng suporta para sa mga residente, at mabagal na pagsisimula ng programa ng pagbabakuna. Sa harap ng mga usaping ito, ano ang mga karanasan ng mga Pilipinong nasa Japan at paano nila dinanas ang pandemya nang malayo sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas? Tunguhin ng pag-aaral na katawanin ang mga salaysay ng pangamba, paglalakbay, pananatili, at pagkaantala na dinanas ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemya. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mag-aaral at manggagawa sa Japan, natuklasang bagamat malaki ang hamong dala ng pandemya sa mga Pilipino sa Japan laluna sa kanilang mental health, nananatili ang katatagan nila, at kahit na marami sa mga personal na hangarin ang kinailangang isantabi, hindi nawawala ang pag-asang magkakaroon pa rin ng pagkakataong tuparin ito sa hinaharap.English Abstract: At the onset of the COVID-19 pandemic in Japan, many praised the government's response. Daily life was not drastically affected, and infections were kept at bay without a national lockdown policy. However, there were also criticisms on how the country handled its border policies, health programs, the slow vaccination roll-out, and the adequacy of the support it provided its residents. How did Filipinos in Japan experience these issues during the pandemic, especially since they are far from their families in the Philippines? This study represents the narratives of anxiety, traveling, staying, and delays by Filipinos in Japan during the pandemic. Through interviews with Filipino students and workers in Japan, this study finds that while the pandemic challenged their mental health, their resilience remained. Despite having to set aside many of their personal goals, their hopes of achieving them remain in the future.

My notes (saved in your browser only)

Citation neighborhood (no data yet)

We don't have any in-corpus citations linked to this paper yet. The paper's references may be in our DB but unresolved to ``paper_id`` (resolution happens at ingest when the cited DOI matches a row we already have). Run the cross-source citation reconcile pass to retry.

Source provenance

europepmc
last seen: 2026-05-19T01:45:01.086888+00:00